10Mayroon ding mga tao diyan na sumisiping sa asawa ng kanyang ama o sa babaeng may buwanang dalaw na itinuturing na marumi.
11Mayroon ding sumisiping sa asawa ng iba, o nilalapastangan ang manugang niyang babae, o sa kapatid niyang babae.
12Ang iba ay nagpapasuhol upang pumatay ng tao, ang iba ay nagpapatubo ng labis, at ang iba ay nagiging mayaman dahil mukhang pera. Kinalimutan na nila ako, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
13“ ‘Isusuntok ko ang aking kamao sa palad ko sa galit, dahil sa mga pangingikil at mga pagpatay ninyo.
14Magiging matapang pa rin ba kayo at malakas ang loob sa oras na parusahan ko na kayo? Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito: Siguradong paparusahan ko kayo. Tiyak na gagawin ko ito.