Ezekiel 23

Nang mga bata pa sila, ibinenta nila ang kanilang dangal doon sa Ehipto tulad ng mga babaeng bayaran. Hinayaan nilang magpasasa ang mga lalaki sa kanilang katawan.

Ezekiel 23:3 (UKJV) And they committed whoredoms in Egypt; they committed whoredoms in their youth: there were their breasts pressed, and there they bruised the teats of their virginity.

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, noon ay may magkapatid na babae.

3Nang mga bata pa sila, ibinenta nila ang kanilang dangal doon sa Ehipto tulad ng mga babaeng bayaran. Hinayaan nilang magpasasa ang mga lalaki sa kanilang katawan.

4Si Ohola ang panganay at ang bunso naman ay si Oholiba. Naging asawa ko ang dalawang ito at nagkaroon kami ng mga anak. Si Ohola ay ang Samaria at si Oholiba naman ay ang Jerusalem.

5“Kahit na asawa ko na si Ohola, patuloy pa rin siyang nagpapagamit sa iba bilang babaeng bayaran at nahumaling siya sa mga mangingibig niyang sundalo ng Asiria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.