10Ipapasakop ko ang mga ito sa mga tao sa silangan at aariin din silang katulad ng mga Amonita. At ang Amon ay hindi na maituturing na isang bansa, ganoon din ang Moab.
11Parurusahan ko ang Moab, at malalaman nila na ako ang Panginoon.”
12Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Gumanti ang Edom sa Juda at dahil ditoʼy nagkasala ang Edom.
13Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, parurusahan ko ang Edom. Papatayin ko ang mga mamamayan at mga hayop niya. Gagawin ko itong tiwangwang, mula sa Teman hanggang sa Dedan. Mamamatay ang mga mamamayan nito sa digmaan.
14Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng mga mamamayan kong Israelita. Parurusahan nila ang mga taga-Edom ayon sa matinding galit ko sa kanila, at malalaman ng mga taga-Edom kung paano ako maghiganti, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”