34Ngunit ngayon, wasak ka na at lumubog na sa gitna ng karagatan, pati ang iyong mga kalakal at mga tripulante.
35Ang lahat ng nakatira sa mga tabing-dagat ay nagulat sa nangyari sa iyo. Natakot ang mga hari nila at kitang-kita ito sa kanilang mga mukha.
36Hindi makapaniwala ang mga mangangalakal ng mga bansa sa iyong kinahinatnan. Nakakatakot ang iyong naging wakas, at nawala ka nang tuluyan.’ ”