8Masaklap ang magiging kamatayan mo, at ihahagis ka nila sa kailaliman ng karagatan.
9Masasabi mo pa kayang isa kang diyos, sa harap ng mga papatay sa iyo? Para sa kanila, ikaw ay tao lang at hindi diyos.
10Kaya mamamatay ka tulad ng pagkamatay ng mga taong hindi tuli, sa kamay ng mga dayuhan. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
11May sinabi pa ang Panginoon sa akin,
12“Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tiro. Sabihin mo sa kanya: ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Noon, larawan ka ng isang walang kapintasan, puspos ng kaalaman at kagandahan.