17Naging mayabang ka dahil sa iyong kagandahan, at ang karunungan moʼy iyong ginamit sa paggawa ng masama upang maging sikat ka. Ito ang dahilan kung bakit ibinagsak kita sa lupa sa harapan ng mga hari, upang magsilbing babala sa kanila.
18Dahil sa napakarami mong kasalanan at pandaraya sa pangangalakal, dinungisan mo ang mga lugar kung saan ka sumasamba. Kaya sa harap ng mga nakatingin sa iyo, sinunog ko iyong ang lugar at ikaʼy nasunog hanggang sa maging abo sa lupa.
19At ang lahat ng mga nakakakilala sa iyo ay nagulat sa iyong sinapit. Kakila-kilabot ang iyong naging wakas, at lubusan ka nang mawawala.’ ”
20Sinabi sa akin ng Panginoon:
21“Anak ng tao, humarap ka sa Sidon at sabihin mo ito laban sa kanya;