Ezekiel 33

Kapag nakita ng bantay na iyon na paparating na ang mga kaaway, patutunugin niya ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao.

Ezekiel 33:3 (UKJV) If when he sees the sword come upon the land, he blow the trumpet, and warn the people;

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, sabihin mo ito sa mga kababayan mo: ‘Kapag dinala ko sa labanan ko ang isang bayan, ang mga mamamayan sa lugar na iyon ay pipili ng isa sa mga kababayan nila na magiging bantay ng kanilang lungsod.

3Kapag nakita ng bantay na iyon na paparating na ang mga kaaway, patutunugin niya ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao.

4Ang sinumang makarinig sa babala pero nagsawalang-bahala at napatay nang nilusob sila, siya ang may pananagutan sa kanyang kamatayan.

5Sapagkat nang marinig niya ang babala ay hindi niya pinansin. Kaya siya ang dapat sisihin sa kanyang kamatayan. Kung nakinig lang sana siya, nailigtas sana niya ang kanyang sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.