Ezekiel 33

Kapag sinabi ko sa taong masama, ‘Tiyak na mamamatay ka dahil sa mga kasalanan mo,’ at hindi mo siya binigyan ng babala na dapat na niyang itigil ang masama niyang pamumuhay, papanagutin kita sa kamatayan niya.

Ezekiel 33:8 (UKJV) When I say unto the wicked, O wicked man, you shall surely die; if you do not speak to warn the wicked from his way, that wicked man shall die in his iniquity; but his blood will I require at yours hand.

6Ngunit kung nakita naman ng bantay na lulusubin na sila ng mga kaaway at hindi niya pinatunog ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao, at may mga napatay na kababayan niya, pananagutin ko ang bantay sa pagkamatay nila kahit na namatay din ang mga ito dahil sa kanilang mga kasalanan.’

7“Ikaw, anak ng tao ay pinili kong maging bantay ng mga mamamayan ng Israel. Kaya pakinggan mo ang sasabihin ko, at pagkatapos ay bigyang babala mo ang mga tao.

8Kapag sinabi ko sa taong masama, ‘Tiyak na mamamatay ka dahil sa mga kasalanan mo,’ at hindi mo siya binigyan ng babala na dapat na niyang itigil ang masama niyang pamumuhay, papanagutin kita sa kamatayan niya.

9Ngunit kung binigyan mo ng babala ang taong masama na talikuran na niya ang masama niyang pamumuhay, ngunit hindi niya pinansin ang iyong babala, mamamatay siya dahil sa kasalanan niya, pero wala kang pananagutan sa kamatayan niya.

10“Anak ng tao, dumadaing ang mga mamamayan ng Israel na hindi na nila kaya ang parusa sa mga kasalanan nila. Nanghihina na at parang mamamatay na raw sila dahil sa parusang ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.