5Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang magsasabi nito sa kanila, ‘Bibigyan ko kayo ng hininga, at mabubuhay kayo.
6Bibigyan ko kayo ng mga litid at laman, at babalutin ko kayo ng balat. Bibigyan ko nga kayo ng hininga, at mabubuhay kayo. At malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”
7Kaya nagpropesiya ako kung paano iniutos sa akin. At habang ako ay nagsasalita, narinig ko ang tunog ng mga butong nagkakabit-kabit at nabuo.
8Nakita ko ring nagkaroon ang mga ito ng mga litid at laman at nabalot ng balat, pero walang hininga.
9Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sabihin mo sa hangin na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Hangin umihip ka mula sa apat na dako, at hipan ang mga patay na ito upang mabuhay.”