18ay napapalamutian ng mga nakaukit na punong palma at mga kerubin na may dalawang mukha.
19Ang isang kerubin ay mukha ng taong nakaharap sa palmera at ang isa naman ay mukha ng leon na nakaharap din sa kabilang palma. Nakaukit ang mga ito sa lahat ng dingding ng Templo.
20Mula sa sahig hanggang sa itaas, nakaukit ang kerubin at mga palmera pati na sa dingding sa labas ng Banal na Lugar.
21Parisukat ang hamba ng pinto ng Banal na Lugar. Sa harap ng pinto ng Banal na Lugar ay may parang
22altar na kahoy na limang talampakan ang taas at tatlong talampakan ang haba at tatlo ring talampakan ang luwang. Ang mga sulok, sahig at mga gilid ay puro kahoy. Sinabi sa akin ng tao, “Ito ang mesa sa harap ng Panginoon.”