25Ang lahi ni Isacar ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Simeon mula sa silangan hanggang sa kanluran.
26Ang lahi ni Zebulun ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Isacar mula sa silangan hanggang sa kanluran.
27Ang lahi ni Gad ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Zebulun mula sa silangan hanggang sa kanluran.
28Ang hangganan sa timog ng lupaing para sa lahi ni Gad ay magsisimula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba-kades hanggang sa Lambak ng Ehipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo.
29Ito ang mga lupaing tatanggapin ng mga lahi ng Israel na kanilang mamanahin, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.