Ezekiel 48

Katabi ng lupain ng lahi ni Asher ang lupain ng lahi ni Neftali na nasa hilaga ng lupain ni Asher at ang luwang nito ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng lupain ng Israel.

Ezekiel 48:3 (UKJV) And by the border of Asher, from the east side even unto the west side, a portion for Naphtali.

1Ito ang talaan ng mga lahi ng Israel at ang mga lupaing magiging bahagi nila: Ang lupain para sa lahi ni Dan ay nasa hilaga. Ang hangganan nito ay magsisimula sa Hetlon patungo sa Lebo-hamat hanggang sa Hazar Enan na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat sa hilaga. Ang luwang ng lupain para sa lahi ni Dan ay magmumula sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel.

2Ang lupain ng lahi ni Asher ay nasa bandang timog ng lupain ng lahi ni Dan, at ang luwang nito ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel.

3Katabi ng lupain ng lahi ni Asher ang lupain ng lahi ni Neftali na nasa hilaga ng lupain ni Asher at ang luwang nito ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng lupain ng Israel.

4Ang lupain ng lahi ni Manases ay nasa gawing timog ng lupain ng lahi ni Neftali, at ang luwang nito ay mula pa rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel.

5Ang lahi ni Efraim ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Manases mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.