Ezekiel 8

Nakatayo roon ang pitumpung pinuno ng Israel at isa sa kanila si Jaazanias na anak ni Safan. Ang bawat isa sa kanilaʼy may hawak na lalagyan ng insenso at ang usok ay pumapaitaas.

Ezekiel 8:11 (UKJV) And there stood before them seventy men of the ancients of the house of Israel, and in the midst of them stood Jaazaniah the son of Shaphan, with every man his censer in his hand; and a thick cloud of incense went up.

9Muli niyang sinabi sa akin, “Pumasok ka at tingnan mo ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginagawa nila.”

10Kaya pumasok ako at nakita kong nakaukit sa buong pader ang lahat ng uri ng hayop na gumagapang, mga hayop na itinuturing na marumi at lahat ng mga diyos-diyosan ng mga mamamayan ng Israel.

11Nakatayo roon ang pitumpung pinuno ng Israel at isa sa kanila si Jaazanias na anak ni Safan. Ang bawat isa sa kanilaʼy may hawak na lalagyan ng insenso at ang usok ay pumapaitaas.

12Sinabi sa akin ng Diyos, “Anak ng tao, nakita mo ba kung ano ang lihim na ginagawa ng mga pinuno ng Israel? Ang bawat isa sa kanilaʼy nasa silid ng kanyang diyos-diyosan. Sinasabi nilang hindi na nakatingin sa kanila ang Panginoon at itinakwil na niya ang Israel.”

13Sinabi pa ng Diyos, “Makikita mo pa ang mas kasuklam-suklam nilang ginagawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.