Ezekiel 8

Sinabi sa akin ng Diyos, “Anak ng tao, nakita mo ba ang ginagawa ng mga mamamayan ng Israel? Nakita mo ba ang kasuklam-suklam na ginagawa nila rito upang palayasin ako sa aking Templo? Ngunit may makikita ka pang higit na kasuklam-suklam na bagay.”

Ezekiel 8:6 (UKJV) He said furthermore unto me, Son of man, see you what they do? even the great abominations that the house of Israel commits here, that I should go far off from my sanctuary? but turn you yet again, and you shall see greater abominations.

4Nakita ko roon ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa kapatagan.

5Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa akin, “Anak ng tao, tumingin ka sa hilaga.” Tumingin ako at nakita ko sa tapat ng pinto malapit sa altar ang diyos-diyosan na siyang lubhang nagpagalit sa Diyos.

6Sinabi sa akin ng Diyos, “Anak ng tao, nakita mo ba ang ginagawa ng mga mamamayan ng Israel? Nakita mo ba ang kasuklam-suklam na ginagawa nila rito upang palayasin ako sa aking Templo? Ngunit may makikita ka pang higit na kasuklam-suklam na bagay.”

7Pagkatapos, dinala niya ako sa pintuan ng bakuran ng Templo at nang tumingin ako, mayroon akong nakitang butas sa pader.

8Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, lakihan mo pa ang butas ng pader.” Pinalaki ko iyon at nakita ko ang isang pintuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.