18Itinalaga nila ang mga pari at mga Levita sa kani-kanilang tungkulin sa Templo ng Diyos sa Jerusalem ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises.
19Nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipinagdiwang ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Pista ng Paglampas ng Anghel.
20Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang sarili upang maging karapat-dapat sila sa pangunguna nila sa mga seremonya. Pagkatapos, kinatay ng mga Levita ang mga tupang handog sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa lahat ng bumalik galing sa pagkabihag, para sa mga paring kamag-anak nila, at para sa sarili nila.
21Ang mga handog na ito ay kinain ng mga Israelitang bumalik galing sa pagkabihag at ng ibang mga taong nakatira roon na tumalikod na sa mga ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos para sambahin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.
22Sa loob ng pitong araw ipinagdiwang nila nang may kagalakan ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sapagkat binigyan sila ng Panginoon ng kagalakan nang binago niya ang puso ng hari ng Asiria upang tulungan sila sa paggawa ng bahay ng Diyos, ang Diyos ng Israel.