3Si Ahitob ay anak ni Amarias na anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Meraiot.
4Si Meraiot ay anak ni Zeraias na anak ni Uzi. Si Uzi ay anak ni Buki.
5Si Buki ay anak ni Abisua na anak ni Finehas. Si Finehas ay anak ni Eleazar na anak ni Aaron na punong pari.
6Si Ezra ay isang tagapagturo na lubos ang kaalaman sa Kasulatan na ibinigay kay Moises ng Panginoon, ang Diyos ng Israel. Dumating siya sa Jerusalem mula sa Babilonia at ibinigay ng hari ang lahat ng hiniling niya dahil pinatnubayan siya ng Panginoon na kanyang Diyos.
7May sumáma ring mga Israelita sa kanya nang bumalik siya sa Jerusalem noong ikapitong taon ng paghahari ni Artaherhes. Kabilang sa mga sumáma ay ang mga pari, mga Levita, mga mang-aawit, mga tagapagbantay ng Templo, at mga tagapaglingkod sa Templo.