Ezra 8

Kaya kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang mga pilak, ginto, at ang mga kagamitan, na walang kulang, upang dalhin sa bahay ng aming Diyos sa Jerusalem.

Ezra 8:30 (UKJV) So took the priests and the Levites the weight of the silver, and the gold, and the vessels, to bring them to Jerusalem unto the house of our God.

28Sinabi ko sa mga pari, “Kayo at ang mga kagamitang ito ay ibinukod para sa Panginoon. Ang mga pilak at ginto ay handog na kusang-loob para sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

29Ingatan nʼyo itong mabuti hanggang sa madala nʼyo ito sa mga bodega bahay ng Panginoon sa Jerusalem na walang kulang, sa harap ng mga namumunong pari, mga Levita, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita.”

30Kaya kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang mga pilak, ginto, at ang mga kagamitan, na walang kulang, upang dalhin sa bahay ng aming Diyos sa Jerusalem.

31Umalis kami sa Ilog Ahava at naglakbay papuntang Jerusalem nang ikalabindalawang araw ng unang buwan. Tinulungan kami ng aming Diyos at iningatan kami sa mga kalaban at tulisan habang naglalakbay kami.

32Pagdating namin sa Jerusalem, nagpahinga muna kami ng tatlong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.