Mga Taga-Galacia 2

Nalaman kong sang-ayon sila sa ipinangangaral ko dahil hindi nila ipinilit na magpatuli ang kasama kong si Tito kahit na hindi siya Hudyo.

Galatians 2:3 (UKJV) But neither Titus, who was with me, being a Greek, was compelled to be circumcised:

1Makalipas ang labing-apat na taon, pumunta ulit ako sa Jerusalem, kasama sina Bernabe at Tito.

2Bumalik ako dahil ipinahayag sa akin ng Diyos na dapat akong pumunta roon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pinuno ng iglesya, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Magandang Balita na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito upang masiguro kong hindi masasayang ang mga pinagpaguran ko noon hanggang ngayon.

3Nalaman kong sang-ayon sila sa ipinangangaral ko dahil hindi nila ipinilit na magpatuli ang kasama kong si Tito kahit na hindi siya Hudyo.

4Lumabas ang usapin tungkol sa pagtutuli dahil sa ilang mga nagpapanggap na mga kapatid na nakisalamuha sa atin upang sirain ang kalayaang natamo natin kay Kristo Hesus, at gawin ulit tayong alipin.

5Ngunit kahit minsan, hindi kami sumang-ayon sa gusto nila, upang maingatan namin para sa inyo ang mga katotohanang itinuturo ng Magandang Balita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.