Mga Taga-Galacia 2

Kaya nang malaman ng mga kinikilalang pinuno ng iglesya, na sina Santiago, Pedro at Juan, na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang gawaing ito, tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa sa pangangaral ng Magandang Balita. Napagkasunduan namin na kami ang mangangaral sa mga Hentil, at sila naman ang mangangaral sa mga Hudyo.

Galatians 2:9 (UKJV) And when James, Cephas, and John, who seemed to be pillars, perceived the grace that was given unto me, they gave to me and Barnabas the right hands of fellowship; that we should go unto the heathen, and they unto the circumcision.

7Sa halip na dagdagan nila ang mga itinuturo ko, kinilala nilang pinagkatiwalaan ako ng Diyos sa pagpapahayag ng Magandang Balita sa mga Hentil, tulad ni Pedro na pinagkatiwalaan sa pagpapahayag ng Magandang Balita sa mga Hudyo.

8Sapagkat ang Diyos na kumikilos sa gawain ni Pedro bilang apostol sa mga Hudyo ang siya ring kumikilos sa gawain ko bilang apostol sa mga Hentil.

9Kaya nang malaman ng mga kinikilalang pinuno ng iglesya, na sina Santiago, Pedro at Juan, na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang gawaing ito, tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa sa pangangaral ng Magandang Balita. Napagkasunduan namin na kami ang mangangaral sa mga Hentil, at sila naman ang mangangaral sa mga Hudyo.

10Ang tanging hiling nila ay huwag naming kalilimutang tulungan ang mga mahihirap, at iyan din naman talaga ang nais kong gawin.

11Noong dumating si Pedro sa Antioquia, pinagsabihan ko siya nang harapan dahil mali ang ginawa niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.