1Ito ang ibig kong sabihin: Habang bata pa ang tagapagmana, wala siyang pinagkaiba sa mga alipin kahit kanya ang lahat ng ari-arian.
2Itinatagubilin siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya at namamahala ng mga ari-arian niya hanggang sa araw na itinakda ng kanyang ama.
3Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Kristo – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito.
4Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan
5upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayoʼy maging anak tayo ng Diyos.