5upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayoʼy maging anak tayo ng Diyos.
6At dahil mga anak na tayo ngayon ng Diyos, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng “Ama”.
7Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Diyos, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.
8Noong hindi pa ninyo kilala ang Diyos, naging alipin kayo ng mga diyos-diyosan.
9Ngunit ngayong kilala nʼyo na ang Diyos (o mas mabuting sabihin na kinilala kayo ng Diyos bilang mga anak) bakit bumabalik pa kayo sa walang bisa at mga walang kuwentang panuntunan? Bakit gusto ninyong magpaaliping muli sa mga ito?