Mga Taga-Galacia 5

May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Kristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba.

Galatians 5:11 (UKJV) And I, brethren, if I yet preach circumcision, why do I yet suffer persecution? then is the offence of the cross ceased.

9Ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina.

10Umaasa ako sa Panginoon na hindi kayo magpapadala sa ibang pananaw. Parurusahan ng Diyos ang mga nanggugulo sa inyo, maging sino man sila.

11May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Kristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba.

12At sa mga nanggugulo naman sa inyo, hindi lang sana sila magpatuli kundi magpakapon na rin.

13Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.