Mga Taga-Galacia 6

Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.

Galatians 6:14 (UKJV) But God forbid that I should glory, save in the cross of our Lord Jesus Christ, by whom the world is crucified unto me, and I unto the world.

12Gusto lamang ng mga namimilit sa inyong magpatuli na magbigay-lugod sa kapwa nila Hudyo. Sapagkat natatakot silang usigin ng mga ito kung ituturo nila na ang kamatayan lamang ni Kristo ang siyang makapagliligtas sa tao.

13Sila mismong mga tinuli ay hindi naman sumusunod sa Kautusan. Ipinagpipilitan lang nila na magpatuli kayo upang maipagmalaki nila na sumusunod kayo sa seremonyang ito.

14Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.

15Hindi na mahalaga kung tuli tayo o hindi. Ang tanging mahalaga ay kung binago na tayo ng Diyos.

16Sa lahat ng pinili ng Diyos at namumuhay ayon sa mga turo kong ito, sumainyo nawa ang kapayapaan at awa ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.