15Hindi na mahalaga kung tuli tayo o hindi. Ang tanging mahalaga ay kung binago na tayo ng Diyos.
16Sa lahat ng pinili ng Diyos at namumuhay ayon sa mga turo kong ito, sumainyo nawa ang kapayapaan at awa ng Diyos.
17Mula ngayon, huwag nʼyo na akong guluhin. Ang tanda ng mga sugat sa katawan ko ay nagpapatunay na sinusunod ko si Hesus.
18Mga kapatid, pagpalain nawa kayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen.