9Alam ng Panginoon na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.”
10Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Acad. Ang lahat ng ito ay sakop ng Sinar.
11Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot-ir, Cale,
12at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cale na isang tanyag na lungsod.
13Si Mizraim ang ninuno ng mga Ludim, Anamim, Lehabim, at Naftuhim,