20Nang tatlumpuʼt dalawang taóng gulang na si Reu, isinilang ang anak niyang lalaki na si Serug.
21Matapos isilang si Serug, nabuhay pa si Reu ng 207 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
22Nang tatlumpung taóng gulang na si Serug, isinilang ang anak niyang lalaki na si Nahor.
23Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng dalawandaang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
24Nang dalawampuʼt siyam na taóng gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera.