24Nang dalawampuʼt siyam na taóng gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera.
25Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
26Nang pitumpung taóng gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.
27Ito ang salaysay tungkol sa lahi ni Tera. Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot.
28Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan siya isinilang. Namatay siya habang buháy pa ang kanyang amang si Tera.