12Si Abram ay nagpaiwan sa Canaan habang si Lot naman ay naroon sa mga lungsod sa kapatagan. Nagtayo si Lot ng mga tolda malapit sa Sodoma.
13Ang mga tao sa Sodoma ay napakasama. Labis ang pagkakasala nila sa Panginoon.
14Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang buong palibot mo.
15Ang lahat ng lupaing maaabot ng iyong paningin ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga lahi, at magiging inyo ito magpakailanman.
16Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng alikabok sa lupa. Ang alikabok ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang.