16Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng alikabok sa lupa. Ang alikabok ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang.
17Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.”
18Kaya inilipat ni Abram ang kanyang tolda, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon.