Genesis 14

at nakipaglaban sila kina Haring Kedorlaomer ng Elam, Haring Tidal ng Goyim, Haring Amrafel ng Sinar, at Haring Arioc ng Elasar; limang hari laban sa apat na hari.

Genesis 14:9 (UKJV) With Chedorlaomer the king of Elam, and with Tidal king of nations, and Amraphel king of Shinar, and Arioch king of Ellasar; four kings with five.

7Mula roon, bumalik sila at nakarating sa Enmispat na tinatawag ngayong Kades. At sinakop nila ang lahat ng lupain ng mga Amalekita at mga Amoreo na nakatira sa Hazazon-tamar.

8Ngayon, tinipon ng mga hari ng Sodoma, Gomora, Adma, Zeboim at Bela ang mga sundalo nila sa Lambak ng Sidim

9at nakipaglaban sila kina Haring Kedorlaomer ng Elam, Haring Tidal ng Goyim, Haring Amrafel ng Sinar, at Haring Arioc ng Elasar; limang hari laban sa apat na hari.

10Ang Lambak ng Sidim sa panahong iyon ay may maraming malalim na hukay na pinagkukunan ng aspalto. At nang tumakas ang hari ng Sodoma at ng Gomora kasama ang mga tauhan nila, nahulog sila sa mga balon, ngunit ang natirang mga kasamahan nila ay tumakas sa kabundukan.

11At sinamsam ng apat na hari ang lahat ng mga ari-ariang nasa Sodoma at Gomora pati ang mga pagkain nila; saka sila umalis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.