11Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, ngunit binubugaw ito ni Abram.
12Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya.
13Pagkatapos, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Siguradong ang iyong mga lahi ay magiging mga dayuhan sa ibang bansa, at gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng apatnaraang taon.
14Ngunit parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, aalis sila sa bansang iyon na dala ang maraming kayamanan.
15Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan.