Genesis 19

Kinabukasan, sinabi ng panganay sa nakababata niyang kapatid, “Sumiping na ako kagabi sa ating ama. At ngayong gabi muli natin siyang painumin ng alak hanggang sa malasing siya, at ikaw naman ang sumiping sa kanya upang tayong dalawa ay magkaanak sa pamamagitan niya.”

Genesis 19:34 (UKJV) And it came to pass on the next day, that the firstborn said unto the younger, Behold, I lay last night with my father: let us make him drink wine this night also; and go you in, and lie with him, that we may preserve seed of our father.

32Mabuti pang painumin natin ang ating ama ng alak hanggang sa malasing siya, pagkatapos, sumiping tayo sa kanya upang magkaanak tayo sa pamamagitan niya.”

33Kaya nang gabing iyon, nilasing nila ang kanilang ama. Pagkatapos, sumiping ang panganay na anak sa kanyang ama. Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ni Lot, hindi niya namalayan kung ano ang nangyayari.

34Kinabukasan, sinabi ng panganay sa nakababata niyang kapatid, “Sumiping na ako kagabi sa ating ama. At ngayong gabi muli natin siyang painumin ng alak hanggang sa malasing siya, at ikaw naman ang sumiping sa kanya upang tayong dalawa ay magkaanak sa pamamagitan niya.”

35Kaya nang gabing iyon, muli nilang nilasing ang kanilang ama at ang nakababatang kapatid naman ang sumiping sa kanya. At sa sobrang kalasingan, hindi rin niya namalayan kung ano ang nangyayari.

36Sa ganoong paraan, nabuntis ang dalawang anak ni Lot sa pamamagitan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.