14Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Dumadaloy ito sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.
15Pinatira ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya upang bungkalin ito at alagaan.
16At sinabi ng Panginoong Diyos sa tao, “Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan,
17maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka.”
18Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.”