8Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.” At nagpatuloy sila sa paglalakad.
9Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos, gumawa si Abraham ng altar na bato, at inihanda niya ang mga kahoy sa ibabaw nito. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar.
10Kinuha niya ang itak. At nang papatayin na sana niya si Isaac,
11tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, “Abraham! Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito po ako.”
12Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang anak mo! Ngayon, napatunayan ko na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.”