Genesis 22

tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.

Genesis 22:17 (UKJV) That in blessing I will bless you, and in multiplying I will multiply your seed as the stars of the heaven, and as the sand which is upon the sea shore; and your seed shall possess the gate of his enemies;

15Muling tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham mula sa langit.

16Sinabi niya, “Ito ang sabi ng Panginoon: Sumusumpa ako sa sarili ko na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,

17tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.

18At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin.”

19Pagkatapos nito, bumalik sila Abraham sa kinaroonan ng kanilang mga alipin. At bumalik sila sa Beer-seba at doon na nanirahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.