Genesis 23

“Akoʼy isang dayuhan at nakikitira lang sa inyo, kaya pagbilhan sana ninyo ako ng lupa na maaari kong paglibingan ng aking asawa.”

Genesis 23:4 (UKJV) I am a stranger and a sojourner with you: give me a possession of a buryingplace with you, that I may bury my dead out of my sight.

2Namatay siya sa Kiriat-arba (na tinatawag ding Hebron) sa lupain ng Canaan. Labis ang paghihinagpis ni Abraham sa pagkamatay niya.

3Ngayon, iniwan muna ni Abraham ang bangkay ng kanyang asawa at nakipagkita siya sa mga Heteo at sinabi sa kanila,

4“Akoʼy isang dayuhan at nakikitira lang sa inyo, kaya pagbilhan sana ninyo ako ng lupa na maaari kong paglibingan ng aking asawa.”

5Sumagot ang mga Heteo kay Abraham,

6“Panginoon ko, makinig po muna kayo sa sasabihin namin. Kilala namin kayo bilang isang dakilang pinuno, kaya ilibing ninyo ang inyong asawa sa pinakamagandang libingan namin. Walang sinuman sa amin ang magkakait sa inyo ng kanyang libingan upang mailibing ninyo ang inyong asawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.