59Kaya ipinasama nila si Rebeca pati ang tagapag-alaga niya, sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito.
60Binasbasan nila si Rebeca sa kanyang pag-alis. Sinabi nila, “Kapatid, nawaʼy manggaling sa iyo ang maraming lahi. Nawaʼy sakupin ng mga lahi mo ang mga siyudad ng kanilang mga kaaway.”
61Nang handa na ang lahat, sumakay si Rebeca at ang mga aliping babae niya sa mga kamelyo, at sumunod sila sa alipin ni Abraham.
62Ngayon, si Isaac ay nakatira sa Negeb at kararating lang galing sa Beer-lahai-roi.
63Isang araw, nang magtatakip-silim na, lumabas si Isaac at naglakad-lakad sa kanilang bukirin. May nakita siyang mga kamelyo na papalapit.