13Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa kanilang kapanganakan: Si Nebayot ang panganay ni Ismael, sumunod sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
14Misma, Duma, Massa,
15Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema.
16Sila ang mga anak na lalaki ni Ismael at naging pinuno ng labindalawa niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.
17Nabuhay si Ismael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.