Genesis 25

Ngunit sumagot si Jacob, “Bibigyan kita nito kung ibibigay mo sa akin ang karapatan mo bilang panganay.”

Genesis 25:31 (UKJV) And Jacob said, Sell me this day your birthright.

29Isang araw, habang nagluluto si Jacob ng sabaw, dumating si Esau galing sa pangangaso na gutom na gutom.

30Sinabi niya kay Jacob, “Pakiusap, bigyan mo nga ako ng niluluto mong mapula-pulang sabaw dahil gutom na gutom na ako.” (Kaya tinatawag din si Esau na Edom.)

31Ngunit sumagot si Jacob, “Bibigyan kita nito kung ibibigay mo sa akin ang karapatan mo bilang panganay.”

32Sinabi ni Esau, “Sige, ano baʼng gagawin ko sa karapatan na iyan kung mamamatay din lang ako sa gutom.”

33Sumagot si Jacob, “Kung ganoon, sumumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau na mapupunta kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.