Genesis 26

Pinangalanan ni Isaac ang balon na iyon na Seba. Kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Beer-seba.

Genesis 26:33 (UKJV) And he called it Shebah: therefore the name of the city is Beersheba unto this day.

31Kinabukasan, maaga silang nanumpa sa isaʼt isa. Pagkatapos, naghiwalay sila nang matiwasay.

32Sa araw ding iyon, dumating ang mga alipin ni Isaac at ibinalita sa kanya na may tubig ang balong hinukay nila.

33Pinangalanan ni Isaac ang balon na iyon na Seba. Kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Beer-seba.

34Nang apatnapung taóng gulang na si Esau, napangasawa niya si Judit na anak ni Beeri na Heteo. Naging asawa rin niya si Basemat na anak ni Elon na Heteo rin.

35Ang dalawang babaeng ito ay nagbigay ng kalungkutan kina Isaac at Rebeca.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.