22Kaya nagdaos si Laban ng handaan at inimbitahan niya ang lahat ng tao sa lugar na iyon.
23Ngunit kinagabihan, sa halip na si Raquel ang dalhin ni Laban kay Jacob, si Lea ang dinala niya. At sumiping si Jacob kay Lea.
24(Ibinigay ni Laban kay Lea ang alipin niyang babae na si Zilpa upang maging alipin nito.)
25Kinabukasan, nalaman ni Jacob na si Lea pala ang kasiping niya. Kaya pinuntahan niya si Laban at sinabi, “Bakit ginawa mo ito sa akin? Naglingkod ako sa iyo upang mapangasawa ko si Raquel. Ngayon, bakit niloko mo ako?”
26Sumagot si Laban, “Hindi kaugalian dito sa aming lugar na maunang makapag-asawa ang nakababatang kapatid kaysa sa nakatatandang kapatid.