Genesis 3

Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.”

Genesis 3:10 (UKJV) And he said, I heard your voice in the garden, and I was afraid, because I was naked; and I hid myself.

8Nang lumamig na ang hangin bandang hapon, narinig nila na naglalakad ang Panginoong Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon upang hindi sila makita.

9Ngunit tinawag ng Panginoong Diyos ang lalaki, “Nasaan ka?”

10Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.”

11Nagtanong ang Panginoong Diyos, “Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin?”

12Sumagot ang lalaki, “Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.