Genesis 30

Si Raquel ay hindi pa rin nagbubuntis, kaya nainggit siya kay Lea. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng anak dahil kung hindi, mamamatay ako!”

Genesis 30:1 (UKJV) And when Rachel saw that she bare Jacob no children, Rachel envied her sister; and said unto Jacob, Give me children, or else I die.

1Si Raquel ay hindi pa rin nagbubuntis, kaya nainggit siya kay Lea. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng anak dahil kung hindi, mamamatay ako!”

2Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi, “Bakit, ako ba ang Diyos? Siya ang pumipigil sa iyong magkaanak.”

3Sinabi ni Raquel, “Kung ganoon, sumiping ka kay Bilha na alipin ko upang sa pamamagitan niyaʼy magkaroon din ako ng anak.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.