Genesis 31

Kung hindi siguro ako sinamahan ng Diyos na ginagalang ng aking ama na si Isaac, na siya ring Diyos ni Abraham, baka pinalayas mo na ako nang walang dalang anuman. Ngunit nakita ng Diyos ang paghihirap ko at pagtatrabaho, kaya binalaan ka niya kagabi.”

Genesis 31:42 (UKJV) Except the God of my father, the God of Abraham, and the fear of Isaac, had been with me, surely you had sent me away now empty. God has seen mine affliction and the labour of my hands, and rebuked you last night.

40Ganito ang naging kalagayan ko: Kapag araw ay nagtitiis ako sa init, at kung gabi ay nagtitiis ako sa lamig. At palaging kulang ang tulog ko.

41Sa loob ng dalawampung taon na pagtira ko sa inyo, labing-apat na taon akong naglingkod sa iyo para sa iyong dalawang anak na babae. Naglingkod pa ako ng anim na taon upang bantayan ang iyong mga hayop. Ngunit ano ang ginawa mo? Sampung beses mong binago ang pagbabayad mo sa akin.

42Kung hindi siguro ako sinamahan ng Diyos na ginagalang ng aking ama na si Isaac, na siya ring Diyos ni Abraham, baka pinalayas mo na ako nang walang dalang anuman. Ngunit nakita ng Diyos ang paghihirap ko at pagtatrabaho, kaya binalaan ka niya kagabi.”

43Sumagot si Laban, “Ang mga babaeng iyan ay aking mga anak at ang mga anak nila ay aking mga apo. At ang mga hayop na iyan ay akin din. Lahat ng nakikita mo ay akin. Ngunit ngayon, ano pa ang magagawa ko sa mga anak at apo ko?

44Ang mabuti siguro, gumawa tayo ng kasunduan. Magtayo tayo ng batong magpapaalala sa atin at magpapatunay ng kasunduan natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.