27Nagtanong ang lalaki sa kanya, “Anong pangalan mo?” Sumagot siya, “Jacob.”
28Sinabi ng lalaki, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel dahil nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”
29Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.” Ngunit sumagot ang lalaki, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.
30Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Diyos ngunit buháy pa rin ako.”
31Sumisikat na ang araw nang umalis si Jacob sa Peniel. Pipilay-pilay siya dahil nalinsad ang buto niya sa balakang.