1Nang tumanaw si Jacob, nakita niya si Esau na paparating kasama ang apatnaraang lalaki. Kayaʼt pinaghiwa-hiwalay niya ang kanyang mga anak kina Lea, Raquel, at sa dalawang alipin.
2At pag-alis nila, pinauna niya ang dalawang aliping babae at ang mga anak nila, sumunod si Lea at ang mga anak niya, at si Raquel at ang anak niyang si Jose.
3Si Jacob ay nasa unahan nilang lahat at pitong ulit siyang nagpatirapa habang papalapit siya sa kanyang kapatid.
4Ngunit tumakbo si Esau para salubungin siya. Niyakap siya ni Esau at hinagkan, at umiyak silang dalawa.
5Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, tinanong niya si Jacob, “Sino ang mga kasama mong iyan?” Sumagot si Jacob, “Sila ang mga anak na ipinagkaloob ng Diyos sa inyong lingkod dahil sa kanyang awa.”