17Ngunit kung hindi kayo papayag, kukunin namin si Dina at aalis kami rito.”
18Nakita nina Hamor at Shekem na mukhang maganda rin ang mungkahing ibinigay ng mga anak ni Jacob.
19Kaya dahil sa malaking pagmamahal ni Shekem kay Dina, hindi na siya nag-aksaya ng panahon upang sundin ang mga sinabi ng mga anak ni Jacob. Si Shekem ang lubos na iginagalang sa sambahayan ng kanyang ama.
20Pumunta sila ng kanyang ama sa pintuan ng lungsod upang kausapin ang mga lalaki sa kanilang lungsod.
21Sinabi nila, “Palakaibigan ang mga taong ito. Kaya patirahin natin sila rito at payagang makapagnegosyo kahit saan. Malaki naman ang lupain natin. Maaari tayong makipag-asawa sa mga dalaga nila at makikipag-asawa rin sila sa mga dalaga natin.