9Nang umuwi si Jacob mula sa Padan-aram, muling nagpakita ang Diyos sa kanya at binasbasan siya.
10Sinabi ng Diyos sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.
11Sinabi pa ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Magkakaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at ng marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi.
12Ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa iyong mga lahi.”
13Pagkatapos, umalis ang Diyos sa lugar na iyon kung saan nakipag-usap siya kay Jacob.