2Kaya sinabi ni Jacob sa sambahayan niya at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyo ang inyong mga diyos-diyosan. Maglinis kayo ng inyong mga sarili at magbihis ng malinis na damit.
3Pagkatapos, pupunta tayo sa Betel, at gagawa ako roon ng altar upang sumamba sa Diyos na tumulong sa akin noong nasa kahirapan ako, at aking kasama kahit saan ako pumaroon.”
4Kaya ibinigay nila kay Jacob ang kanilang mga diyos-diyosan pati na ang kanilang mga hikaw. Ibinaon ni Jacob ang lahat ng ito sa ilalim ng punongkahoy na terebinto malapit sa Shekem.
5Nang umalis na sina Jacob, pinagharian ng takot mula sa Diyos ang mga tao sa palibot ng mga bayan, kaya hindi sila lumusob at hindi nila hinabol sila Jacob.
6Nakarating sila Jacob at ang mga kasama niya sa Luz (na tinatawag ding Betel) doon sa Canaan.