31Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga lahi ni Israel:
32Si Bela na taga-Dinaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
33Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.
34Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husam na taga-Teman.
35Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.